Weblog

Sunday, 07 December 2008

  • Currently
    Final Fantasy X-2: Original Soundtrack
    Eternity - Memory of Lights and Waves (Piano instrumental)
    see related

    Pity

    Eternity ~Memories of Light and Waves~ - Final Fantasy X-2



    Umuwi ako sa bahay nang nalulungkot dahil naaawa ako sa batang babaeng nagtitinda ng sampaguita sa gitna ng EDSA kahit na 10:30 na ng gabi.

    (tumutugtog ang house music)

    Umuwi ako sa bahay nang nalulungkot dahil kumatok siya sa bintana ko at iniangat pa ang tinda niyang sampaguita para lang makita ko.

    Matthew: (binuksan ang bintana ng kotse) Magkano po ang isa ate?
    Bata: sampung piso po...

    Umuwi ako sa bahay nang nalulungkot dahil gusto ko sanang bilhin ang lahat ng sampaguita niya para makauwi na siya pero singkwenta lang ang pera ko.

    Matthew: Sige bigyan mo ako ng... (tingin sa pitaka) lima.

    Umuwi ako sa bahay nang nalulungkot dahil agad-agad niyang binilang ang kanyang sampaguita at inabutan ako ng lima, habang sinusulyapan ko ang pagkapula ng stoplight.

    Bata: (matapos magbilang ng limang kwintas ng sampaguita) heto po!

    Umuwi ako sa bahay nang nalulungkot dahil nang kinuha ko ang sampaguita sa kanyang mga kamay, agad agad niyang binuksan ang palad niya, at natakot na baka takasan ko siya.

    Matthew: (binuklat ang nakapulupot na resibo sa singkwenta pesos) Eto o...

    Umuwi ako sa bahay nang nalulungkot dahil inabot ko ang singkwenta pesos pero di ko siya masabihan na umuwi na siya dahil gabing gabi na.

    Bata: Maraming salamat po!

    Umuwi ako sa bahay nang nalulungkot dahil itinago ng bata ang singkwenta pesos, takot na takot na liparin ng mausok na hangin.

    Pulang ilaw ng bawat sasakyan. Hudyat na dapat nang
    Patuloy na bumyahe sa kalye...
    Gisingin ang bawat nagmamaneho sa kanilang antok.

    Umuwi ako sa bahay nang nalulungkot dahil di man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihan siyang mag-ingat siya. Hindi ko naman kasi naubos ang benta niya.

    Berdeng ilaw ng stoplight. Hudyat na dapat nang
    Harangan muli ang aming mundo
    ...Patuloy na bumyahe sa kalye.

    Umuwi ako sa bahay nang nalulungkot dahil makauwi man siya ngayong gabi, siguradong nariyan ulit siya bukas.

    (tumutugtog ang house music)

    Umuwi ako sa bahay nang nalulungkot dahil yun nalang ang magagawa ko - malungkot para sa kanya, at malungkot para sa sarili ko sa aming pagkapareho.

    Nagtitinda.
    Gumagala.

    Umaasa nalang sa panandaliang kaligayahan.

    Makabenta.
    Makauwi.

    Dahil kahit sumikat pa ang araw bukas...

    Pag-ayos.
    Pag-asa.

    Pareho lamang naman ang aabangan namin.

    Pagkagulo.
    Pagkasawi.

    Umuwi ako sa bahay nang nalulungkot dahil ganito ang pag-iisip ko... kahit namang alam ko na hindi dapat.






    side note:

    Unti-unti na akong naliliwanagan talaga sa kung ano ang gusto kong/(Niyang) mangyari sa aking buhay. Mahirap ang landas na nais kong tahakin.


    Naniniwala akong parang EDSA lang ang buhay. Pagdarasal, pasensya at personal na diskarte lang ang kailangan mo. Abutin ka pa ng gaano katagal, makakarating ka parin sa pupuntahan mo.

    Diba Lord?

Monday, 17 November 2008

  • Currently
    Day & Age
    By The Killers
    Human
    see related

    Mga Babae nga naman

    Nalalabuan ako sa ilang mga babaeng sumasakay sa train ng mga lalaki sa MRT. Teka lang, bago ka mag-react at maglagay ng negative feedback, sinasabi ko na ngayon palang, hindi kasama dyan ang mga babaeng may boylet/asawa o mga nanay na may kasamang anak na lalaki. Huwag narin nating isama ang mga babaeng may kasamang mga lalaking kaibigan sa usapan.

    Gaya ng sabi ko, nalalabuan talaga ako sa mga babaeng sumasakay sa train ng mga lalaki sa MRT nang mag-isa. Mapapansin mo yan talaga lalong lalo na't kapag araw-araw mong tinatangkilik (sumasakay) sa MRT. Hindi ko maintindihan kung bakit pinipili nilang sumakay sa parte ng MRT kung saan pinasasakay ang karamihan ng mga lalaki - mga mababahong, pawis-pawis, at madudungis na lalaki. Eh meron naman silang VIP karwahe sa harap ng tren. Kasama ang mga kalahi nilang mababango, bihirang pinapawisan (o kung pawisan ma'y maayos parin ang itsura) at malilinis na babae.

    Bakit naman ako nalalabuan?

    a.) Makikipagsiksikan sila papasok ng MRT, tapos biglang magrereklamo na ang sikip-sikip at ang baho baho ng MRT.

    b.) Kapag nakapasok na sila, at tapos na silang magreklamo, hahawakan nila ang kanilang mga bag nang mahigpit na mahigpit, "takot" na mahaplos o mabosohan ng katabing lalaki. at tuwing gumagalaw ang tren at medyo tumama ang katawan ng katabi niya'y haharap siya sa kabilang direksyon. (para siguro yung isa pang katabi niya ay maka-chansing rin sa kanya) Nakasimangot pa yan, at kung minsa'y may kasama pang mura.

    c.) Titingnan nila ang mga lalaking nakaupo, at iirapan kung di nila siya paupuin. Kapag may nagmagandang loob naman na paupuin siya, ay iisnab-in lang niya. (che! dina-damoobs lang ako ng lalaking yan! hindi siya easy-to-get, easy-to-please. Ano siya? Pokpok?! High class siya noh! Kaya nga siya sumasakay sa MRT eh!)

    d.) Kapag umabot na sa babaan niya, siyempre makikipagsiksikan pa yan sa ibang mga pasahero. Ewan ko sa iba, pero kapag ako ang bumababa ng MRT, hindi ako nanunulak. Marunong naman kasi akong magsalita ng "Excuse". At kahit na gaano pa kaliit ang espasyo na mabibigay nila sa akin (dahil masikip nga sa tren) ay padadaanin ka parin. Pero ibang klase ang mga babaeng ito. Maniniko yan kung maniniko. Tutulakin ka niya kung kinakailangan niya. Maninipa yan ng balls mo kung gustuhin niya. At kapag may lumaban dahil bastos nga ang ginagawa niya, sasabihan niya kaagad na napakabastos ng lalaking yun. Yung malakas na malakas ah, yung tipong rinig ng lahat ng pasahero, para narin nga siya yung announcer ng MRT sa lakas ng boses niya.

    "*ding dong* ANO BA YAN! station... PADAANIN MO AKO!!! station... Next stop... WALANG HIYA KA! Next stop... TINULAK MO PA AKO!! Ang susunod na istasyon ay... BASTOS NG LALAKING TO!!!  Ang susunod na istasyon ay... HETONG SAYO!!! *multiple choice, siya ba ay: a.) maniniko; b.) manunulak; c.) mangungurot ng balls; d.) all of the above* Maraming salamat po!"

    e.) Lalabas yan ng tren nang nakasimangot. Nakakunot ang kilay niya, habang hinahanap niya ang kanyang tiket mula sa kanyang shoulder bag at padabog na pupunta sa bayaran. Kitang kita mo na sira ang araw niya dahil sa biyahe sa MRT.



    Pero sino nga ba ang may kasalanan nun? Yung mga mababahong lalaki ba na nakatabi niya sa karwahe (ng mga lalaki)? Yung mga lalaki bang na-chansing-an siya sa karwahe (ng mga lalaki)? Mga lalaking di siya pinaupo habang nakasakay siya sa karwahe (ng mga lalaki)? O yung mga lalaking nabaog dahil di siya pinababa ng karwaheng sinasakyan niya? Sa Karwaheng para sa mga lalaki.

    Hep, hep, hep! Bago mo pindutin yang "comment" button para magsulat ng negative feedback, sige! Sabihin na nga nating hindi lang para sa mga lalaki ang karwahe number 2, 3 at 4. Sabihin na nating para sa lahat yun. Pero kung ako yung pasahero, at alam kong may karwahe na para lamang sa mga... sabihin na nating para lamang sa mga matataba, dun na ako sasakay siyempre! At least alam kong mas konti kaming mataba na sumasakay sa MRT o kung hindi man, at least sigurado akong dahil pare-pareho kaming matataba, walang sasandal sa amin sa karwahe namin.

    Oo na! Naisip ko rin naman na marami rin namang babaeng sumasakay ng MRT, at sumisikip na sa karwahe number 1 kung dun lang silang lahat papasok. At umaasa lang naman sila na baka makahanap sila ng matipunong lalaki na hindi siya mamanyakin na pauupuin siya sa ibang karwahe. At kaya siya nababad trip ay dahil mabantot na nga ang karwahe number 2, 3 at 4, di pa siya nakakaupo. Kaya siya nagiging brutal.

    O baka naman kaya siya sumasakay sa karwahe number 2, 3 at 4 dahil mas brutal pa ang mga babae sa karwahe number 1. Mga amazon lang ang pwedeng sumakay dun. Kapag di mo kakayanin ang kanilang German Suplex kapag lalabas sila, demoted ka sa mababahong karwahe. Kaya siya nagiging brutal. Nagpapraktis kasi siya para makabalik sa karwahe number 1.

    O baka naman may nakatabi siyang lalaki dati sa karwahe number 2, 3 at 4 na sobrang type niya. At dahil type niya, araw araw niyang binabalikan yung pwesto kung saan niya unang nakatabi yung lalaking yun. Naba-bad trip siya dahil di niya matyempuhan! Ang sumasalubong lang sa kanya, mga mababaho, pangit at pawis pawis na mga lalaki. Kaya siya nagiging brutal. Heartbroken na pala ang diyegababes na to.

    O baka naman,
    O baka naman,
    O baka naman,
    O baka naman...

    Napakarami kong iba't ibang spekulasyon kung bakit sila sumasakay sa karwahe number 2, 3 at 4. Pero hindi yun ang punto ko. Sana naman sa susunod, kapag sasakay kayo sa karwaheng para sa lahat, magkaroon rin naman kayo ng konting respeto sa ibang mga pasahero. Hindi porke't babae kayo, bibigyan na agad kayo ng royal treatment ng buong mundo.

    Nirerespeto kayo ng mga lalaki sa general karwahe (at least ako nirerespeto ko kayo), pero kapwa pasahero naman ang katabi mo at hindi mga alipin na pwede mong i-choke slam, 6-1-9, DDT at i-piledriver kapag di ka nila pansinin.

    Malay mo, pagod na pagod na pala siya dahil sinisante na pala siya sa trabaho niya, tapos iiwan pa siya ng asawa niyang ka-relasyon si SP01, 02 at 03, samantalang ang anak niyang 14 years old, may anak narin (lima pa!) na umaasa rin sa kanya. Baka kinailangan lang niyang umupo nung sandaling yun, para makahinga siya nang malalim at maharap ulit ang buhay nang buong buo ang loob. Pero anong ginawa mo? Siniko mo nung papalabas ka na ng karwahe dahil di ka niya pinaupo.

    Respeto po mga ate, kaunting respeto lang naman po sa kapwa pasahero. Huwag yung simpleng bagay lang, mang-iipit na kayo ng balls ng mga lalaking katabi niyo.

    Tandaan niyo mga ate, gusto rin naman naming magka-baby...

Saturday, 15 November 2008

  • Successful People

    Every person seeks pleasure. However, because of the limited resources in our world plus the need of each person to seek something pleasurable (in this case, something exquisite), people have begun wars. To acquire a piece of land, you need to fight for it. Economics has taught us that to balance it out, our ancestors, started to put prices for different commodities. The harder it is to gather a specific product, the more it costs. In the end, to manage our resources, they have decided that if you want to experience these luxuries in life, you must have the capacity to purchase them.

    Now, the people of before probably had good intentions when they decided to put a price on everything. I've just noticed that slowly, people have begun to make something as quantifiable as trading money into something that should've been immeasurable. Success.

    What does it mean to be successful? No matter how you look at it, society now measures success of a person through the quality of his belongings, how much he travels despite the economic crisis and splurging on life's luxuries. Success now equates to money. Somehow, this capitalistic point of view has conquered the minds of our time. Everyone now wants to become "successful". Parents encourage their kids to study hard, so that one day, they too will become "successful".

    Gone were the days when being successful meant that you have accomplished something you've strived for for a very long time and even if it doesn't reward you with money, everyone's happy for you because you're successful. Try doing that today. Try accomplishing a very complicated origami figure and tell everyone you know about it. Chances are they will even ask you to call back at a more opportune time because while you are bothering yourself with a "useless" hobby like origami, they're striving hard to earn money - to become "SUCCESSFUL".

    Working as a corporate underdog for almost two years, I'm slowly learning that to be "successful", you need to measure every action. Only act if you can gain something from it. If you're forced to act where you're at a loss, make sure that you can get something else from it, if not, do it as fast as you can so that you can do something that can cater to your benefit.

    To be successful, you need to cut off all emotional ties. Like they say, business is business. If a family member asks for your help that could drag you down, simply tell him that "hey, sorry but I really can't help you." I'm sure he'll understand since he knows that you believe that emotions can't be mixed with business. Yeah, right.

    It's true that people who have soft-spots aren't meant to do business. Companies tell you that you should be "goal-oriented", you need to "conquer the competition". If you can't stomach the way of thinking that "the ends justify the means", you're not meant to play with the big boys. You can't be "successful".

    If you're not "successful", you can't have the things that you want. If you can't have the things that you want, you can't be happy. You may also start defending that the world is just a mass of elements that is meant to be consumed by people and that we are all just a sad, materialistic bunch, incapable of being happy unless we are able to buy what we want.

    Before, the main drive of people to accomplish something / to be "successful" was for knowledge, and for the advancement of humankind. Today, a "successful" person makes money and personal gain his main drive.

    Serving the people is just not a term that's commonly used these days. Wait, let me correct that. Even serving the people has become a venue to earn money these days. We have become so engrossed in our own little worlds that we forget about everything else we might hit. What happened to caring for people? What happened to changing the world? What happened to being a light to others? All I see right now is that if a person isn't built for the kill, he's as good as trash. He will become unsuccessful.

    What now becomes of the future? I don't know, but at the trend that we're going, it's highly possible that we're going to be sucked back to the ways of the past. Forget about families, forget about friendships, relationships. It's every man for himself.

    It's time to make a choice. Will you become "successful"? Or will you change the world?



    hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa utak ko at kung bakit ko sinulat yan, pero bigla nalang kasing lumabas, at naramdaman kong kailangan kong isulat.

Tuesday, 10 June 2008

  • Currently Listening
    Heartbeat
    Heartbeat by Scouting for Girls
    see related

    sore throat, usapang mani, peykpeyk at ahas ni kuya kim (not por da peint hearted)

    oh yes. parang jessa zaragosa na kumakanta ng jukebox hits ang boses ko ngayon.

    wait. hindi pala. macy gray. think macy gray.

    wait. hindi rin pala. fantasia barrino. think fantasia barrino.

    ganung klase ng boses. na kasing baba ng boses ni april boy regino.


    parang ganyan.

    kung may boses pekpek siguro, ang boses ko ngayon, pang-transvestite na nagpa-transplant ng pekpek. peyk-peyk (fake-fake)! nyehhh!!!

    "hi pogi! wanna tes my peyk-peyk today?! it's chewy." YAAAAAAAAAAAAAAAKKKKKSSSS!!!

    ang sakit ng lalamunan ko!!! kasalanan ito ng hindi pag-vocalize bago magsalita sa harap ng 14 katao.

    maaari ring sanhi ito ng 3 ice cream at 2 kutsarang sobrang tamiiiiis na strawberry jam at adobo peanuts (MANI NG MADRE! DA BEST PARIN! TAMANG ALAT LANG, AT MAY KONTING PAIT! HINDI MAKUNAT, HINDI MAITIM! MEDYO MAKINTAB PA!) nang di umiinom ng tubig pagkatapos at tumambay sa isang erkon na kwarto habang pawis na pawis. pwede nga naman. pero masaya ako sa nakain ko. napaka-puro! napaka-fresh! alam mong bagong bago! ingat na ingat! tagong tago! piling pili! mapapa-hallelujah ka sa sarap!



    nung weekend, biglang naisipang pumunta nila mama at papa sa baguio. at sa mga hindi pa nakakaalam, matagal nang walang tv sa kwarto ko. mula college 2nd year ako, wala na akong tv. kung kinakailangan kong manuod, pupunta pa ako sa kwarto nila mama (na laging naka-koreanobela), sa kwarto ng kapatid ko (na laging nasa news dahil dito na-demote si papa), o sa sala (na pinatanggal nila mama ginagaya na ng baby sa bahay yung mga tv babes sa pag-kagat ng labi niya at pagtaas ng damit hanggang sa makita ang dodo niya. MAHALAY!).

    nasaan na nga ba ako?

    ayun! nung weekend lang ako ulit nakanood ng TV. matapos ang mahabang mahabang mahabaaaang panahon! doon lang ako nakanood ng mga commercial:

    "my name is rain!" OYES! panalo ka mehn! Clear men, not only for those with brains.

    "WAG DURARA!!!" hahahahaha! panalo parin sa akin ito pati yung mga kulay purpol na gummy worms na lalabas sa kanal. hindi ko matandaan kung anong brand yung may ganitong commercial, pero panalo. sa sobrang pagka-korni niya, tatatak yung tagline sa utak mo.

    at dahil walang cable sa tinirahan namin, napanood ko na yata ang lahat ng tribute para kay Daboy (sumalangit nawa). nung sabado, may tribute na sa GMA. isang maikling tribute para kay daboy sa startalk. nung sunday, mas big time. sa GMA parin, pinilit agawin ni lolit solis (sana'y sumalangit nawa) ang show mula kay Daboy at kay LT.
    ibang klase ang mga hirit! hindi porke't close kayo ni Daboy, pwede mo nang agawin ang pag-iyak kay LT! at ang pinakamatindi, ang KAMBAK ni Tirso Cruz III sa ABS-CBN kahapon na kumanta ng isang kanta bilang "tribute" rin kay Daboy. OYES! hindi ko talaga kinayanan ito. nangilabot ako nung inaannounce palang at pinatay ko ang TV.

    <Ginoong Rudy Fernandez, hindi kita nakilala, pero maaalala kita bilang isang artista na laging may ngiti sa bibig at may bigote. napasaya mo kami bilang manonood mo.>



    asan na si kuya kim? alam ko namang ahas niya ang pinaka-inaabangan ng lahat. Nung sabado ng umaga, pagbukas ko ng TV, natyempuhan na MYSTIC RANGERS ang nasa TV! siyempre, todo nood ako! hanggang sa matapos ito, at sinundan ng Matanglawin. Astig pala yung palabas na yun no! parang national geographic na believe it or not na discovery channel na para lang sa mga pinoy. At may mga deadly snakes pala tayo dito sa pilipinas! DANDANDANNN!!! PALABAS NA! ANG AHAS NI KUYA KIM!!! *hisssss* nakakakilabot, pero nakakabilib parin. akala ko sa mga rainforest lang makakakita ng ganun. (sabagay rainforest naman yata ang mindoro), heniwayyyyyyyyyyy...

    at bakit ako na-apektohan kay kuya kim? dahil nabilib ako sa hosting skills niya! ang galing! hindi ako inantok dahil pati siya game na game sa mga adventure! kahit paghiga pa sa kama ng pako ni Strongman ng pilipinas, at pagsakay sa mini airplane na parang mas mas magaan pa sa kanya. astig talaga!

    bukod pa riyan, dahil paulit ulit ang commercial ng kapitan boom sa palabas na matanglawin, akala ko na si kuya kim rin si kapitan boom! hanggang sa napansin kong hindi ganun kalaki ang ilong ni kapitan boom. at parang mas maliit yung bibig ni kapitan boom kapag naging kapitan boom na siya kumpara sa pagiging "hari ng sablay" niya. basta. akala ko si kuya kim yun.ganun ako ka-elibs sa kanya!

    o baka talagang matagal lang akong hindi nakakapanood ng tv...



    iinom na ako ng salabat.

    salamat sa salabat! salawal! salanggola! salansan! salandasngkahirapanatkabuhayanatkaligayahan,
    matt
       

Sunday, 01 June 2008

  • Hi!

    Kumusta ka na? Sorry matagal na kitang di nabibisita ha... Oo na, oo na, lagi nalang "busy sa trabaho" yung dahilan ko. Totoo naman talaga yun, pero mali ring ganun lang palagi ang dahilan ko.

    Sa totoo lang, ilang beses ko nang binalak na bisitahin ka. Pero hindi ko na alam kung paano ako magsisimula. Pakiramdam ko wala namang kwenta ang sasabihin ko. Hihingi lang ako ng tawad dahil hndi ako nakabisita nang matagal, o kung hindi naman, pipilitin kong gumawa ng isang mabulaklak na kwento, na wala rin namang patutunguhan sa huli.

    Tama ka. Para ngang nakalimutan ko na kung paano magpakawala. Parang ang seryoso ko na ngayon no? Sorry na... Sorry na... Pinipilit ko naman talagang maging tulad ng dati. Pero nagbabago ka nga talaga yata depende sa kung sino ang kasama mo madalas. Sana nga makasama kita araw araw, pero ipinagbabawal ng maraming tao e. Lalo na kamo sa office pa namin! Baka paalisin pa tayong pareho sa office. Alam mo naman na yun e... Sinabi ko narin naman sa iyo dati yan eh...

    Nagsisisi ako sa totoo lang. Hindi masaya ang masyadong marami ang iniisip! Eh ikaw lang naman talaga ang gusto kong kasama araw-araw. Na-mimiss ko na rin yung mga araw na tatawa lang tayo habang magkasama. Yung tipong bigla nalang akong mapapangiti dahil naibabahagi ko ang mga pananaw ko at alam kong tinatanggap mo ako bilang ganito.

    Hindi na ako hihingi pa ng sorry kasi ilang beses narin naman akong nag-sorry sa iyo. Ilang beses na kita sinabihang "mamaya nalang" o "pagod na ako" at kasalanan ko yun. Nagkamali talaga ako.

    Pero humihingi ako sa iyo ng tulong. Dahil masyado na akong naging seryoso sa buhay, masyado na akong pala-isip. Masyado ko nang iniisip kung ano dapat ang tama, ano ang hindi dapat ginagawa. Masyado ko nang iniisip ang mga dapat kong gawin, kung tama ba ito, o kung paano ang iisipin ng ibang tao. Ang hirap! Ang hirap talaga... Kaya please... Totoo nga naman, makapal ang mukha ko, pero ikaw lang kasi ang nakakaintindi sa akin... Please... Tulungan mo naman ako....

    Gitara... Samahan mo naman ulit ako. Ayoko nang magbago pa dahil hindi na maganda ang nakikita ko... Gitara... Nakakalimutan ko na kasi kung paano lumipad... Natatakot akong bumagsak... Please... Mataas ang lipad mo. Alam ko dahil ikaw ang nagturo sa akin kung paano lumipad. Ikaw ang sumasama sa akin saan man ako magpunta.

    Ayos lang sa akin kung pagtingnan ako ng ibang tao. Ikaw ang gusto kong kasama. Seryoso na talaga ito. Magsisimula ulit ako. Makikinig na ulit ako sa iyo... Huwag mo akong pababayaan...



    Nagmamahal,
    Matthew

Top Tags - Weblog

[no tags]